Tuesday, June 14, 2011

Wait, Mama! Vs. Para, Mama!

Papunta ang lola niyo somewhere sa Sapang Palay. Mag-isa lang ako kaya panigurado sa blog kong ito, e may mao-okray na naman ako sa pagiging keen observer ko!

We usually hear Mama, para! or para! kapag bababa ka ng dyip. Kahit may makasabay kang foreigner, trying hard sa pagsasabi ng 'hey, peyra!' Ahahhaa.

But wait!

Nung nasa drip na ako at sumakay itong si high-schoolish girl, mukha siyang windang. As in lost. Parang di niya alam kung saan siya pupunta. Kung saan ang lugar niya sa ilalim ng araw ... hahaha.

Anyways, nang sa tingin niya e hindi niya dapat sinakyan ang dyip na naruruon kami, bigla siyang sumigaw ng bonggang-bonggang:

"Wait, Mama!"

Ay! May-I-lingon kaming lahat ng pasahero. Gusto kong sabihin, "ano raw?"

And she repeated in different word constructions --- "Mama, wait po!"

At ang mamang clueless sa gusto ng kanyang pasahero, imbes na mag-preno, umabante pa. Nainis si high school girl dahil bababa na lang siya ang mega-abante pa itong si tsuper. At heto na naman siya:

"Wait, mama!"

Ahahhaha at ahahahaha pa!

Ikaw na ang sosyal!

No comments:

Post a Comment