Saturday, April 30, 2011

Ang Royal Wedding

Siyempre, hindi pwedeng wala akong say sa nakaraang royal wedding. Talaga namang tinutukan ko ito kahit na ang sinasabi ng iba e ano naman ngayon? E hindi naman natin bansa iyan? Hindi naman natin tradisyon 'yan? Trulili naman, de vah?

Pero ijka nga, compare the differences tayo. At duon ko na-realize mas maganda pang panuorin si Mia Thermopolis sa Princess Diaries kasi mas makatotohanan at kahit paano, hindi sila pigil nung karakter na lalaki sa paghu-holding hands.

E dios mio, sa kasal, parang may bakal sa likod si Duke William of Cambridge na hindi matulungan si Duchess Kate of Cambridge sa pag-aayos ng gown niya. Pati ang pagki-kiss! Hindi katulad sa usual bride na halos harassin na ng groom ang bride sa first kiss after the ceremony. Kalurky!

Pero nood pa rin naman ako!

At si Kate, from size 6 naging size 2! Mukha siyang tigang during the wedding. Hanglaki ng pinayat niya. Mukhang mashonda na siya sa hitsura ng fez niya! Ever! Parang ang laki ng itinanda niya anuber!

Anyways, best wishes sa newly bride and groom. And just like any fairy tales, may you live happily ever after.

Friday, April 29, 2011

Ang Sarap Titigan


Kahit na alam kong fake ang picture na ito, super fafable naman talaga si Fafa Jake, de vah?

Nakaka-inspire kasi:


  • ang sarap isipin na in real life e gagawin ito ng bf / partner mo sa harapan mo in slow motion
  • magandang foreplay
  • He'll say" Honey, it's really hot. I don't feel like wearing anything tonight .." Hallelujah!!
  • Honey, masikip 'yung bagong bili mong mga briefs sa kin. I'd rather take it off (Sure sige ... slow motion uli, ha?)
  • "Honey, I'm too tired to undress ... can you please --?" (nanginginig pang sasagot ng oo ... sure!)
  • Nakakawala ng pagod
  • Ang landi!
  • Super seductive!
  • It's so nice to tell him, "I'm gonna have my dessert now ..." while looking at him ... ahahaha
My mind is so ------ ..... and -------- .... right now!!!

Ah ewan!

Wednesday, April 27, 2011

Budget! Budget!

Gamit na gamit ang mga scratch papers ko. Ang puro scribbles e numbers. Minsan, yung numbers meron sa kaliwang title: Meralco, PLDT, Credit Card, Loan, Budget, Share, Pamasahe. Sinusulat mo pa lang ang numbers, alam mo ng negative ang kalalabasan ng expenses mo sa earnings mo.

Henep ne behey nemen ete ee!!!

At di nga ako nagkamali.

Dagdag-bawas na naman ito. Sa susunod ko na babayaran si PLDT para mabayaran ko ng buo si Meralco.

Alam ko ng kulang ang pera ko bukas papunta sa work. Lumabas na lang aketch para naman makakuha ng extrang moolah. Ang dinala ko lang na pera e tama lang para sa to the left and to the right na travel ko. Tumataginting na 100 pesos with a goal na dapat kalahati pa duon ang matitira.

It turns out na nagastos ko siyang lahat pero meron pa rin naman akong pera. 700 pesos para sa sampung araw na pasok. Mukhang baong sandwich na naman ang pupuno sa mga araw ng lunchtime ko...

Napaka-Luz Valdez ko na talaga! Ako na! Ako na ang pinakamahirap na babae sa balat ng lupa!!!