Wednesday, June 22, 2011

Drawings at Ulans

Nang dahil sa ulan, napagdiskitahan ko ang aking planner na ang ibang pages ay walang entry at ang mga coloring pens ng aking pamangkin.


Ito lang naman ang mga lugar na pwede kong puntahan. Hindi pala. Para kasing lumalabas na marami akong pera, di ba? Rephrase: Ito lang naman ang mga lugar na gusto kong mapuntahan.

O devah -- mas Claro M. Recto?


Ito naman 'yung isa:


Bakit ko siya na-drawing or nasulat? 'Yan lang naman ang linya sa akin ng napaka-sweet kong boyfriend. At kinilig naman daw ako ng marinig ko 'yan. Sabay naisip -- kawawa namang tao. Gusto ko tuloy alagaan buong buhay ko. Sabay sabi sa kanya --- "you're not alone, honey. I am here."

Eeehhhhhhhhhhhhhhh!!!!

I love you!!! Muah Muah Muah

Tuesday, June 14, 2011

Wait, Mama! Vs. Para, Mama!

Papunta ang lola niyo somewhere sa Sapang Palay. Mag-isa lang ako kaya panigurado sa blog kong ito, e may mao-okray na naman ako sa pagiging keen observer ko!

We usually hear Mama, para! or para! kapag bababa ka ng dyip. Kahit may makasabay kang foreigner, trying hard sa pagsasabi ng 'hey, peyra!' Ahahhaa.

But wait!

Nung nasa drip na ako at sumakay itong si high-schoolish girl, mukha siyang windang. As in lost. Parang di niya alam kung saan siya pupunta. Kung saan ang lugar niya sa ilalim ng araw ... hahaha.

Anyways, nang sa tingin niya e hindi niya dapat sinakyan ang dyip na naruruon kami, bigla siyang sumigaw ng bonggang-bonggang:

"Wait, Mama!"

Ay! May-I-lingon kaming lahat ng pasahero. Gusto kong sabihin, "ano raw?"

And she repeated in different word constructions --- "Mama, wait po!"

At ang mamang clueless sa gusto ng kanyang pasahero, imbes na mag-preno, umabante pa. Nainis si high school girl dahil bababa na lang siya ang mega-abante pa itong si tsuper. At heto na naman siya:

"Wait, mama!"

Ahahhaha at ahahahaha pa!

Ikaw na ang sosyal!

Wednesday, June 8, 2011

High Demands for Baby Powder This Pasukan

Nakasakay ako ng biyaheng Pa-SM Fairview. Pauwi na galing sa Eastwood, Libis -- ang bagong location ng aking bonggang trabaho. At pagdating sa may tapat ng Quezon City hall, puro high school students na ang kasama ko.

At napadako ang mata ko sa hawak ni girl na baby powder. At ganito ang procedure niya;

- taktak sa isang palad
- pinagkuskos ang dalawang kamay
- spread over the fez ang mga palad na may natira pang powder
- kinuha ang bimpo
- pinunasan ang mukha

Such a wonder to see! Really!

In fairness, marami ang tinaktak niya sa kanyang palad. At pagkakuskos niya, lumipad pa ang karamihan nun sa akin.Ay free powder ba ito, teh? Gusto ko ng makipulbos, ahahaha!

At ano ang relevance ng pagtaktak nun sa palad mo kung ikukuskos mo rin lang sa mga palad mo. Nasayang ang powder! Maraming mahihirap ang hindi maka-afford ng baby powder! Tsk tsk tsk ...

At pagkatapos i-spread over the fez, pupunasan mo ng bimpo? Gone is the powder! Nagsasayang ka, ate, ng supply ng powder, ha!

Pero in reality, madalas kong makita ang ganitong eksena sa mga estudyante, ha. Kaya alam ko na mataas ang demands ng baby powder lalo na pag pasukan!!!

Ahhaha .. umandar na naman ang pagiging lukaret ko!!! :)