Wednesday, June 8, 2011

High Demands for Baby Powder This Pasukan

Nakasakay ako ng biyaheng Pa-SM Fairview. Pauwi na galing sa Eastwood, Libis -- ang bagong location ng aking bonggang trabaho. At pagdating sa may tapat ng Quezon City hall, puro high school students na ang kasama ko.

At napadako ang mata ko sa hawak ni girl na baby powder. At ganito ang procedure niya;

- taktak sa isang palad
- pinagkuskos ang dalawang kamay
- spread over the fez ang mga palad na may natira pang powder
- kinuha ang bimpo
- pinunasan ang mukha

Such a wonder to see! Really!

In fairness, marami ang tinaktak niya sa kanyang palad. At pagkakuskos niya, lumipad pa ang karamihan nun sa akin.Ay free powder ba ito, teh? Gusto ko ng makipulbos, ahahaha!

At ano ang relevance ng pagtaktak nun sa palad mo kung ikukuskos mo rin lang sa mga palad mo. Nasayang ang powder! Maraming mahihirap ang hindi maka-afford ng baby powder! Tsk tsk tsk ...

At pagkatapos i-spread over the fez, pupunasan mo ng bimpo? Gone is the powder! Nagsasayang ka, ate, ng supply ng powder, ha!

Pero in reality, madalas kong makita ang ganitong eksena sa mga estudyante, ha. Kaya alam ko na mataas ang demands ng baby powder lalo na pag pasukan!!!

Ahhaha .. umandar na naman ang pagiging lukaret ko!!! :)

No comments:

Post a Comment