Wednesday, April 27, 2011

Budget! Budget!

Gamit na gamit ang mga scratch papers ko. Ang puro scribbles e numbers. Minsan, yung numbers meron sa kaliwang title: Meralco, PLDT, Credit Card, Loan, Budget, Share, Pamasahe. Sinusulat mo pa lang ang numbers, alam mo ng negative ang kalalabasan ng expenses mo sa earnings mo.

Henep ne behey nemen ete ee!!!

At di nga ako nagkamali.

Dagdag-bawas na naman ito. Sa susunod ko na babayaran si PLDT para mabayaran ko ng buo si Meralco.

Alam ko ng kulang ang pera ko bukas papunta sa work. Lumabas na lang aketch para naman makakuha ng extrang moolah. Ang dinala ko lang na pera e tama lang para sa to the left and to the right na travel ko. Tumataginting na 100 pesos with a goal na dapat kalahati pa duon ang matitira.

It turns out na nagastos ko siyang lahat pero meron pa rin naman akong pera. 700 pesos para sa sampung araw na pasok. Mukhang baong sandwich na naman ang pupuno sa mga araw ng lunchtime ko...

Napaka-Luz Valdez ko na talaga! Ako na! Ako na ang pinakamahirap na babae sa balat ng lupa!!!

No comments:

Post a Comment