Friday, August 5, 2011

Walk Out

Kahapon ko lang naramdaman ang feeling na nasasakal. Nakakaburyong. Nakakasawa. Kaya nagwalk-out. In tagalog: lakad sa labas. I need to breathe some dirty air. Feel that mainit na usok na nag nagmumula sa dyip ni manong.

Ako kasi ay isang taong hindi gumagalaw sa pangkaraniwang office environment. Nasa bahay lang ako. Hindi ako bum. Empleyado ako but a new age empleyado dahil sa office ang bahay ko. At eksaktong apat na buwan ay naburyong ako. Pero hindi naman ako nagsasawa - I just felt the need to go out. LOL

At so, eto ako ---


At eto, na-amaze ako sa backdrop ng Cars movie ...


at siyempre Gellato on the side (tama ba ang spelling?)

Wednesday, June 22, 2011

Drawings at Ulans

Nang dahil sa ulan, napagdiskitahan ko ang aking planner na ang ibang pages ay walang entry at ang mga coloring pens ng aking pamangkin.


Ito lang naman ang mga lugar na pwede kong puntahan. Hindi pala. Para kasing lumalabas na marami akong pera, di ba? Rephrase: Ito lang naman ang mga lugar na gusto kong mapuntahan.

O devah -- mas Claro M. Recto?


Ito naman 'yung isa:


Bakit ko siya na-drawing or nasulat? 'Yan lang naman ang linya sa akin ng napaka-sweet kong boyfriend. At kinilig naman daw ako ng marinig ko 'yan. Sabay naisip -- kawawa namang tao. Gusto ko tuloy alagaan buong buhay ko. Sabay sabi sa kanya --- "you're not alone, honey. I am here."

Eeehhhhhhhhhhhhhhh!!!!

I love you!!! Muah Muah Muah

Tuesday, June 14, 2011

Wait, Mama! Vs. Para, Mama!

Papunta ang lola niyo somewhere sa Sapang Palay. Mag-isa lang ako kaya panigurado sa blog kong ito, e may mao-okray na naman ako sa pagiging keen observer ko!

We usually hear Mama, para! or para! kapag bababa ka ng dyip. Kahit may makasabay kang foreigner, trying hard sa pagsasabi ng 'hey, peyra!' Ahahhaa.

But wait!

Nung nasa drip na ako at sumakay itong si high-schoolish girl, mukha siyang windang. As in lost. Parang di niya alam kung saan siya pupunta. Kung saan ang lugar niya sa ilalim ng araw ... hahaha.

Anyways, nang sa tingin niya e hindi niya dapat sinakyan ang dyip na naruruon kami, bigla siyang sumigaw ng bonggang-bonggang:

"Wait, Mama!"

Ay! May-I-lingon kaming lahat ng pasahero. Gusto kong sabihin, "ano raw?"

And she repeated in different word constructions --- "Mama, wait po!"

At ang mamang clueless sa gusto ng kanyang pasahero, imbes na mag-preno, umabante pa. Nainis si high school girl dahil bababa na lang siya ang mega-abante pa itong si tsuper. At heto na naman siya:

"Wait, mama!"

Ahahhaha at ahahahaha pa!

Ikaw na ang sosyal!

Wednesday, June 8, 2011

High Demands for Baby Powder This Pasukan

Nakasakay ako ng biyaheng Pa-SM Fairview. Pauwi na galing sa Eastwood, Libis -- ang bagong location ng aking bonggang trabaho. At pagdating sa may tapat ng Quezon City hall, puro high school students na ang kasama ko.

At napadako ang mata ko sa hawak ni girl na baby powder. At ganito ang procedure niya;

- taktak sa isang palad
- pinagkuskos ang dalawang kamay
- spread over the fez ang mga palad na may natira pang powder
- kinuha ang bimpo
- pinunasan ang mukha

Such a wonder to see! Really!

In fairness, marami ang tinaktak niya sa kanyang palad. At pagkakuskos niya, lumipad pa ang karamihan nun sa akin.Ay free powder ba ito, teh? Gusto ko ng makipulbos, ahahaha!

At ano ang relevance ng pagtaktak nun sa palad mo kung ikukuskos mo rin lang sa mga palad mo. Nasayang ang powder! Maraming mahihirap ang hindi maka-afford ng baby powder! Tsk tsk tsk ...

At pagkatapos i-spread over the fez, pupunasan mo ng bimpo? Gone is the powder! Nagsasayang ka, ate, ng supply ng powder, ha!

Pero in reality, madalas kong makita ang ganitong eksena sa mga estudyante, ha. Kaya alam ko na mataas ang demands ng baby powder lalo na pag pasukan!!!

Ahhaha .. umandar na naman ang pagiging lukaret ko!!! :)

Wednesday, May 25, 2011

Echos na Bagyong Tsedeng!

I am about to embark on a new journey. Malapit lang. Pwedeng sa Makati, sa Ortigas or kahit na sa Taguig. But I like the one in Pioneer. Parang mga giant karton lang ang mga building na itinayo duon.

Okay na sana ang lahat, you know. Nakalista na ang mga pupuntahan ko for the day. Pero while I am on the bus, hinabol kami ni Tsedeng! Hanggang sa Buendia, hindi pa tila ang ulan. Ang aking bababaan sa Makati e sa Buendia extension.

Por Dios mio, hindi kinaya ng powers ko ang ulan! Drenched in the rain ang drama ng lola niyo. Kaya tumambay na lang ako sa Glorietta. At for the first time ever, na-bore ako na nasa loob lang ako ng mall. Is this what you call maturity? Bwahahaha!

Anyways, I decided to call it a day at umuwi na lang ako pagkatapos kong bilhin ang usual na supplies ko: shampoo, toothpaste at sabon. Meron pa kasi ang iba.

Pero bagyong Tsedeng para ka lang *&@#! Pagkatapos ng malakas na ulan, umaraw bigla. Sinayang mo talaga ang araw ko!!! Grrr!!! Don't ever come back rain! Ampf!!! :(

Saturday, April 30, 2011

Ang Royal Wedding

Siyempre, hindi pwedeng wala akong say sa nakaraang royal wedding. Talaga namang tinutukan ko ito kahit na ang sinasabi ng iba e ano naman ngayon? E hindi naman natin bansa iyan? Hindi naman natin tradisyon 'yan? Trulili naman, de vah?

Pero ijka nga, compare the differences tayo. At duon ko na-realize mas maganda pang panuorin si Mia Thermopolis sa Princess Diaries kasi mas makatotohanan at kahit paano, hindi sila pigil nung karakter na lalaki sa paghu-holding hands.

E dios mio, sa kasal, parang may bakal sa likod si Duke William of Cambridge na hindi matulungan si Duchess Kate of Cambridge sa pag-aayos ng gown niya. Pati ang pagki-kiss! Hindi katulad sa usual bride na halos harassin na ng groom ang bride sa first kiss after the ceremony. Kalurky!

Pero nood pa rin naman ako!

At si Kate, from size 6 naging size 2! Mukha siyang tigang during the wedding. Hanglaki ng pinayat niya. Mukhang mashonda na siya sa hitsura ng fez niya! Ever! Parang ang laki ng itinanda niya anuber!

Anyways, best wishes sa newly bride and groom. And just like any fairy tales, may you live happily ever after.

Friday, April 29, 2011

Ang Sarap Titigan


Kahit na alam kong fake ang picture na ito, super fafable naman talaga si Fafa Jake, de vah?

Nakaka-inspire kasi:


  • ang sarap isipin na in real life e gagawin ito ng bf / partner mo sa harapan mo in slow motion
  • magandang foreplay
  • He'll say" Honey, it's really hot. I don't feel like wearing anything tonight .." Hallelujah!!
  • Honey, masikip 'yung bagong bili mong mga briefs sa kin. I'd rather take it off (Sure sige ... slow motion uli, ha?)
  • "Honey, I'm too tired to undress ... can you please --?" (nanginginig pang sasagot ng oo ... sure!)
  • Nakakawala ng pagod
  • Ang landi!
  • Super seductive!
  • It's so nice to tell him, "I'm gonna have my dessert now ..." while looking at him ... ahahaha
My mind is so ------ ..... and -------- .... right now!!!

Ah ewan!